Pagsusulit Blg. 1
Panuto: Piliin ang tamang letrang sagot at ilagay ito sa
inyong ¼ laki ng papel.
1. “Ayaw
kong palupig sa hinalang ang mga dahilang tinubos ng luha at dugo ay mga anino
lamang ng mga dantaon ay tumatawag at walang nakaririnig”. Ang sanaysay na ito
ay nagpapahiwatig ng _________________.
A. kabiguan B. may pag-asa C.
may kasiyahan D. may
paglupig
2. Ito
ang katawagan sa awiting bayan sa mga kasalan ng katutubo.
A. Ihiman B.
oyayi C. diona D.
soliranin
3. Mula
sa “Kung anong bukambibig siyang laman ng dibdib”. Ito ay isang uri ng
________________.
A. Tugmaan B. bugtong C. tula D.
salawikain
4. Siya
ang sumulat ng “Hulyo 4, 1954 A.D.” na nagkamit ng unang gantimpala sa Palanca
noong 1953-1954.
A. Rogelio
Sicat B. Dionisio Salazar C. Edgardo Reyes D. Amado V. Hernandez
5. Ang
pinakamahaba at pinakamatandang epiko ng Panay na may 18 salaysay at sinakop
ang tatlong henerasyon.
A. Alim B. Maragtas C. Haraya D. Hinilawod
6. Alin ang kasintunog
ng salitang may salungguhit? Pag-ibig ang kailangan ng daigdig.
A. Pagsuyo B.
Mundo C. Tahanan D. Paligid
7. Ano ang kahulugan ng salitang may
salungguhit? May mga taong bukas ang palad sa mga mahihirap.
A. Matulungin B. Mayaman C.
Matapat D.
Maawain
8. Ano ang kahulugan nito? Puwit man ng baso’t suot ng mayaman, ang tingin ng tao’y brilyanteng
makinang.
A.
Mapang-api
B.
Pagtingala sa mayaman
C.
Mapagbalatkayo
D.
Tulong sa kabuhayan
9. Alin sa mga pangungusap ang higit na epektibong
pagpapahayag?
A.
Nang nailikas ang mga tao ay bumaha sa aming bayan.
B.
Nang bumaha sa aming bayan ay nailikas na ang mga tao.
C.
Pagkalikas sa mga tao ay bumaha sa aming bayan.
D.
Nang lumikas ang mga tao ay bumaha sa aming bayan
10.Kuha ito sa Ang
Bayan Ko’y Ito, Ito ang Bayan Ko ni Jose Villa Panganiban:
Sa
iisang lahi at iisang wika’y magkasamang lahat
Mutya ng Silangan ay tunay ngang mutyang
Marangal ang sukat.
Alin
ang ipinahihiwatig nito?
A. Matinding poot C.
Dakilang damdamin
B. Mababang uri ng kaisipan D.
Marahas na damdamin
11. Alin ang kahulugan ng AMPALAYANG-AMPALAYA?
A. Takot B.
Kuripot C.
Makulit D.
Lokohin
12. Alin kaisipan ang inilalarawan ng bugtong? Ako’y
nagpunla ng sangkabang mais
Pagka-
umaga’y biglang napaalis.
A.
Buwan
B. Bituin
C. Bulalakaw
D. Bawang
13. Ang sumusunod ay isang
kantahing bayan.
Ayokong, ayokong mag-alaga ng manok.
Pag ako’y umalis pag ako’y umalis,
Iba ang hahaplos
Sa aking pagdating, sa aking pagdating
Balahibo’y gusot, Ito ang simula, ito ang
simula
Ng sama ng loob.
Ano ang
isinasaad ng awitin?
A. Ang hindi niya pagkagusto sa babaeng nagtataksil sa asawa.
B. Di niya ibig na mag-alaga ng manok na iba naman ang kakain.
C. Umiiwas siyang sumama ang loob.
D. Mahirap mag-alaga ng manok pangsabong
14. Alin Kaisipan ang inilalarawan ng bugtong na
ito? Bahay ni Kiko, walang bintana,
walang pinto.
A.
Langka
B.
Saranggola
C.
Itlog
D.
Kabaong
15. Alin sa mga pangungusap ang may tamang gamit ng pantukoy na pananda?
A. Mag-aaral ang UST ang nagwagi sa timpalak.
B. Mag-aara ang UST ang nagwagi ng timpalak
C. Mag-aaral ng UST
ang nagwagi sa timpalak
D.
Mag-aaral ng UST ang nagwagi ng timpalak
16. Alin ang kasintunog ng salitang may
salungguhit? Tinamaan ng palaso ni Kupido ang kanyang puso.
A.
Mabigo
B. Palalo
C.
Katoto
D.
Magaso
17. Kuha ito sa Pagsisi ng
Isang Bilanggo ni Cirio H. Panganiban:
Mga
magulang kong labis magpalayaw Tingnan
ninyo akong labis na minahal
Kaluluwa
ninyo ngayon ay nasaan? At
ngayo’y lugami sa hirap ng buhay.
Alin
di-berbal na komunikasyon ang maaaring gamitin para makapagpapatingkad sa diwa
nito?
A.Kumpas na pasubaybay C.
Kumpas na paturo
B.Kumpas na pahawi D.
Kumpas na pauyan na may kibitz ng balikat
18.Ano ang kahulugan ng talatang ito? Batong
tuntungan mo sa pagkadakila, batong tuntungan nang sa pamamayapa.
A.
Talino
B. Kalan
C.
Balatkayo
D.
Monumento
19.Ang kantahing bayan na inaawit ng mga ilokano at
Igorot sa mga naulila sa piling ng bangkay ng yumaong asawa.
A.
Dandansoy
B. Pamulinawen
C. Dung-aw
D. Dalit
20. Ang panahong ito ay itinuring na gintong
panahon sa panitikan.
A.
Amerikano
B. Aktibismo
C.
Kastila
D.
Hapon
Answer Key:
1. B
2. A
3. D
4. B
5. D
6. D
7. A
8. B
9. B
10. C
11. A
12. B
13. A
14. C
15. C
16. D
17. B
18. D
19. C
20. D
text nyo na lang ako kung oorder kayo ng reviewers for major or for gen ed and prof ed. sa 0999-9401794. Pede rin pm me sa messenger ko sa fb ko: crisencio m. paner. I assure you very effective mga reviewers ko, napakarami ng nakapasa dahil dito. Da best din nyong gawin ay magpa let coaching sa akin, lalo na kung ilang beses ka ng bumabagsak sa let.
ReplyDelete